1. Wala namang aswang jan eh!

    Yung banyo namin may daanan pataas. Yung pwedeng daanan ng tao. At gabi-gabi, bawat pag pasok ko sa banyong yun, feeling ko, may nakatingin sakin.

    Hindi naman ako naniniwala sa multo. Pero, ewan. Takot na takot ako sa kanila. May pagkakataon na hindi ako nakaktulog. STRAIGHT. 24 oras. Hindi ako makatulog. kasi pakiramdam ko, laging may nakatingin sakin. Maraming beses nang nangyayare sakin yun. Hindi ko din alam sa sarili ko kung:

    1. Malakas lang ba talaga ang pakiramdam ko
    2. Imahinasyon lang
    3. O, may multo talaga

    Sa totoo lang, hindi lang ako ang nakakaramdam nun dito sa bahay. Si Kuya din. Pag iniisip ko, nangingilabot ako. Ayaw ko makakita ng multo, kasi nga, takot ako. Pero, willing ako kaharapin ang takot na iyon. Katunayan, ilang beses ko nang sinubukang manood ng horror movies. Kabilang na dun yung Patient X, Dalaw at ang pinaka matindi, Insidious. Dahil sa Insidious na yan, sobra ang bangungot ko. Minsan talaga, feeling ko, andiyan ang demonyo. Naiisip ko, paano kung mangyari sakin yung nangyari sa bata at dun sa asawa nung bida? Oo. Alam ko, kathang-isip lang. Pero, bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi lang takot kundi, sobrang takot.

    Maraming scenes dun na feeling ko nangyari na sakin o kaya man, mangyayari pa lang. Hindi ko kinakaya. Minsan, nahihirapan ako huminga. Kaya, kinausap ko na si Mama. Mula noon, lagi na kaming tabi matulog. Binabantayan niya ako. Pero, hindi pa rin maalis ang takot ko. Nangingilabot pa din ako. Naiisip ko, paano kung dumaan din sa bintana tapos pagdilat ko, nasa harap ko na. NAKU NAKU. ERASE ERASE. Ang weird ko. 

    Pinapatakpan ko na yung butas sa banyo ko. Pero ayaw ni Papa. Sabi niya, “Wala namang aswang jan eh!” Nagalit pa siya sakin. Hindi ko naman siya masisi. Para akong baliw. Nagagalit ako sa kanila kasi ayaw nilang takpan yung butas na iyon. Sana, mawala na ‘tong takot ko. Sana, hindi na ako bangungutin. Ayaw ko na. Sobrang trauma na ‘to. Nababaliw na ata ako. Sabi nila, delusion (ayon sa psychiatric nursing book) lang daw yun. Yun yung na-iimagine mo yung isang bagay kahit na wala naman. Pero, hindi lang siguro. Ewan. Naguguluhan din ako sa sarili ko.

    Basta ang malinaw. Kung takot ka, kalimutan mo ang kinakatakutan mo. Kasi, minsan, pag hinaharap, lumalala. Parang ako, para na akong psychotic.

     
  1. captivatedbyoubabyy likes this
  2. russmzm posted this